Shopping Cart Details


Order Details Amount

Updated Totals in:
[]

Delivery/Shipping

GRAND TOTAL:

Please choose a checkout option.
No personal data required.

Send in Orders

It's Quick & Easy! Details here will not be published.

Please include messages to us here.

Mga Dapat Tandaan Sa Pagbili ng Refrigerator.





Ang refrigerator ay isa sa mga pangunahing kagamitan na matatagpuan natin sa loob ng bahay dahil ito'y nagpapanatili ng sariwang pagkain tulad ng isda, karne, gulay at mga prutas. Ngunit ito rin ang isa sa may mataas na gamit ng kuryente. Kung bibili ka nito isa alang-alang mo ang mga sumusunod;

1. Alamin ang tamang laki ng refrigerator na bibilhin mo ayon sa laki ng lugar na paglalagyan at dami ng taong gagamit. 

2. Ang kunsumo sa kuryente ay nakasalalay sa uri ng refrigerator na bibilhin mo.

    a. Direct Cooling - ito ay ang sinaunang klase ng refrigerator na lumalamig dahil sa condensing unit na nakadikit sa aluminum freezer ng refrigerator. Ang parte ng bagay o pagkain na nakadikit sa aluminum freezer ang unang nagyeyelo. Ang lamig na nanggagaling sa freezer ay bumababa para palamigin ang iba pang laman. Ang yelo ay kumakapal sa paligid ng aluminum freezer. Napagkakamalian na mas magandang magyelo dahil sa yelo nito sa gilid ng aluminum freezer ngunit hindi yun ang batayan ng tamang paglamig. Kailangan mong magdefrost upang mawala ang makapal na yelo.



    b. No Frost - ito ay isa sa mga makapagong teknolohiya sa ating panahon. Ang lamig ay ibinubuga ng blower. Ang malamig na hangin ay umiikot sa loob ng refrigerator at freezer. Mas mabilis itong magpatigas o magpayelo ng bagay na nasa loob nito. Hindi kumakapal ang yelo sa loob ng freezer. Di mo kailangan magdefrost.

    c. No Frost Inverter - ito ang pinakabago sa tatlo. Ang lamig ay imiikot sa loob ng refrigerator at freezer. Meron itong sensor na nagmonitor ng kabuoang temperatura sa loob ng refrigerator. Ang inverter motor nito ay nagmementina ng mas mababang daloy ng kuryente kapag naabot na ang tamang temperatura sa loob ng refrigerator. Mas matahimik ang motor, mas matipid sa kuryente at mas matibay.


3. Pumili ng may anti-bacteria o pamatay bakteria upang maiwasan ang pagkakaroon ng amoy. Ang amoy ay hindi nangagaling sa pagkain kundi sa bacteria na namumuo sa pagkain kaya ito bumabaho. Kapag may anti-bacteria di mo na kailangan maglagay ng uling sa iyong ref.

4. Siguruhin na may hiwalay na lalagyan ng gulay na may moisture control upang mapanatili ang gulay at prutas na sariwa. 

5. Depende sa inyong pangangailangan, may mga ref na may sliding compartment upang mas maging madali ang pagkuha ng pagkain. Piliin ang pinakakelangan nyo.

6. Upang mas lalong makatipid sa kuryente, hanapin ang refrigerator na gumagamit ng LED lamp. 

7. Ang pagkakaroon ng gulong ay mas ideal upang mas madali mong mailipat ang pwesto ang iyong ref kapag kinakailangan.

8. Huwag matakot kung ang gilid ng ref mo ay umiinit. Natural po ito. May heat tube po talagang nakalagay sa gilid ng ref upang maiwasan ang pagpapawis. 

9. Piliin ang ref na may mataas na EER rating. Makikita ito sa dilaw na tag na nakalagay dito. 

10. Kung walang kasamang patungan ang ref na nabili mo, kelangan kang bumili nito upang tumagal ang ilalaim ng ref mo laban sa rust, corrosion o pagkakaroon ng kalawang. 

Ito ang mga common tips na dapat mong tandaan kapag bibili ka ng refrigerator.



90 comments

  1. Mga Tugon
    1. Hindi po, sisingaw po ang freon ng motor kapag nakahiga ang ref.

      Burahin
    2. Kung naka higa po siya hindi na po ba mag ice ang ref?

      Burahin
    3. Ibinyahe ko ang ref ko pahiga tapps 4 days ko di g8namot ngayun ginamit ko na sobrang init ng likod nakakapaso normal paba yun

      Burahin
    4. Auz lng po b kpg maingay ang ref sobrang ingay po kc lge ng nbli namen condura

      Burahin
  2. Ang samsung ref inverter model RT20FARDSA/TC ay matipid ba sa kuryente at matibay ito ang nabili ko

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Opo matipid po yan sa kuryete. Maganda po ang airflow nyan kaya mabilis magpalamig ng laman. Ang gulay po ay napapanatiling fresh. Tahimik din ang motor.

      Burahin
    2. Matibay po ang kabuon ng refrigerator. 10 years po ang warranty ng motor nyan.

      Burahin
  3. Ang samsung ref inverter model RT20FARDSA/TC ay matipid ba sa kuryente at matibay ito ang nabili ko

    TumugonBurahin
  4. Sabi po ng nanay ko sobrang init ng gilid ng ref namin (LG brand) tama po ba yung sinabe ko sa nanay ko na natural lang mag init ang ref, lagi pa niyang pinapatay :(

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Umiinit po talaga ang gilid ng ref dahil may heater yun sa gilid para di po magkaroon ng moisrure at di agad kalawangin. Wag po patayin kasi masisira ref nyo. Kung sobrang init talaga tumawag po sa service center.

      Burahin
  5. Good am! Gaano po ba katagal tumigas ang yelo sa freezer kung ang temp knob ay nkaset sa coldest? Condura 2-door po ref namin parang mabagal kasi tumigas ang yelo ty

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Depende po sa dami ng laman na supot ng yelo. Kung puno po ang buong freezer maaring 24 hangang 36 na oras ang itagal bago lahat mabuo. Ang una pong mabubuong yelo ay yung nakadikit sa wall ng freezer.

      Burahin
  6. Tanung ko lang po last wik lng po pinagawa ko po yung mini ref co kc po kalahate lng ang nagyeyelo tas s ibaba d gaano lumalamig. Ang sv po skin freon daw po tsk barado daw po ang daanan ng lamig. Pinalitan nia po ng linya panibagong tubo po ata. Nun ibinalik po sa bhay mabilis nmn po xa mag automatic off khit p xa ganun kalamig.tsk d xa gaano nagyeyelo. Kaya pianaayos ko po ule s kanya. Ngaun nmn po parang feeling ko po d na xa nag aautomatic off. Pero d nmn po nagyeyelo ng talagang yelo parang panimula yelo lng po ganun. My problema prin po b ang ref ko?

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Di ko po masagot yung tanong nyo dahil technical side po yan. Pero base sa inyong kwento mukhang freon nga ang kulang kasi inayos na ang tube ng ref at nawala na ang bara pero mahina lumamig. Kung ang ref mo ay mahigit ng 5 taon bumaba na ang level ng freon nyan.

      Burahin
  7. Ano po mas okay na brand? Kelvinator KPR122MNL 4.3 cu.ft. or EZY ES-88F 3.2 cu.ft? Will appreciate your response po since torn po ako sa dalawa. Gagamitin ko lang po sa apartment ko. Thanks!!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Hindi ko kilala yung Brand na EZY kaya di ko sya kaya irecommend. Ang Kelvinator po ay matagal na sa Pilipinas at ginagawa ng Concepcion kaya mas maaasahan po.

      Burahin
  8. Ano maganda brand panasonic or lg? madali ba masira ang inverter? bibili po kasi ako this month at itong dalawa ang aking pinagpipilian

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. matibay po ang inverter at tahimik pa. Sa compressor po ng ref mas gusto ko ang panasonic.

      Burahin
  9. ok ba ang hanabishi na brand para sa personal ref?

    TumugonBurahin
  10. Nung sinaksak po ng mama ko yung nabili kong 2nd hand na panasonic kaninang umaga mainit daw po ang gilid natural lang po ba yun? Salamat po

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. natural lang po na uminit ang gilid ng ref... para po di yun mag moist. pero kung sobra ang init hindi po yun normal.

      Burahin
    2. Sir good day po pag ang ref d napagana ng ilang taon d naba lalamig ung ref or sumingaw na ung freon

      Burahin
    3. pwede pong gumana yung ref pero maaring di na maganda lumamig. ipacheck nyo po muna sa technician bago nyo gamitin ulit.

      Burahin
    4. Ask q lang po bumili po kmi ng ref napancn ko po matagal tumigas ng ice candy naka #2 knob lang po single door ung ref namin ang tumitigas lang po e ung sa baba at sa gilid ung 2nd layer ng ice candy ang tgal bgo tumigas condura po tatak ng ref namin... may auto frost po xa

      Burahin
  11. tanung ko lang po na mas malakas po ba sa kuryente ang two door na ref kaysa sa one door po

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. mas matipid po ang two door kasi hindi mo binubuksan ang buong ref hindi lumalabas ang lamig ng buong ref.

      Burahin
  12. Ano po ba ang pinakamaliit na freezer pero tipid at matibay. Maliit lng kc ang inuupahan ko at gusto rin mgnegosyo. Slamat po

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Eurotek Chest Freezer ECF-110GR (4.0cu. Ft.)

      Burahin
  13. Hello po ask ko lng po kakabili ko lng po nang panasonic na ref un freezee po nya ok nmn mdali mgyelo pro un fridge nya po hindi po lumalamig 6am ko po sinaksak s power un ref 4pm n po un tubig po hindi p din po lumalamig ano po kaya ang dapat ko gawin? Puede ko po ba ito papalita sa panasonic?tnx po

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Sorry po di ko agad nasagot ang tanong nyo. May 7 days replacement po ang appliances kapag may manufacturing defect. Pwede po kayo magpa-assist sa dealer na binilhan nyo.

      Burahin
  14. Hello po ask ko lng po kakabili ko lng po nang panasonic na ref un freezee po nya ok nmn mdali mgyelo pro un fridge nya po hindi po lumalamig 6am ko po sinaksak s power un ref 4pm n po un tubig po hindi p din po lumalamig ano po kaya ang dapat ko gawin? Puede ko po ba ito papalita sa panasonic?tnx po

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Sorry po di ko agad nasagot ang tanong nyo. May 7 days replacement po ang appliances kapag may manufacturing defect. Pwede po kayo magpa-assist sa dealer na binilhan nyo.

      Burahin
  15. Ung ref po nmen lg smart inverter kbibili lng po nmen sabi kasi dun sa pinagbilan nmen sabi nya pag sinaksak daw po nmen ubg ref dapat daw nkatodo ung temp nya ng 2hours tapos after 2hours ilagay n daw nmen sa kung anong gusto nmen n temp,napansin ko kasi n umiinit ung gilid at likod normal lng ba tlga un,pra kung hindi papalitan ko agad.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. natural lang po na uminit ang gilid ng ref... para po di yun mag moist. pero kung sobra ang init hindi po yun normal.

      Burahin
  16. tanong ko lang bakit yung nabili naming 2 door kelvinator ref ay may namumuong yelo loob ng ibaba? normally nasa dulong side ng ref at sobrang init ng mga side ng refrigerator

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. kung manipis lang yung yelo at hindi buobuo ok lang po pero makapal yung yelo itawag nyo na sa service. nag iinit po talaga ang gilid ng ref kc may heater po yun para di magmoist.

      Burahin
  17. ano po ibig sbhn ng semi-auto? tsaka ano po mas trusted nyong brand LG or kelvinator pgdting sa ref?

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. kapag semi-auto po may pinipindot na button sa temp dial para magdefrost ang ref at pagkatapos nya magdefrost magnonormal opereration na ulit yung ref.

      Burahin
  18. ano po kayang ref na matipid sa kuryente.. ung maliit lng, at magkano po kya.. paano po sukat ng cubic feet? kasi ung feet lng alam ko sukatin.. nalilito po ako..

    TumugonBurahin
  19. Sir patulong nmn po sa pag pili ng ref. Panasonic nr-bp7716an 85w, 0.79kwh/24hr, eef 325. 1 yr parts and servce, 5 yrs on compressor.
    Vs
    Samsung rt20farvdsa 100w, 0.79kwh/24hr, eef 321. 2 yrs parts and servce, 10 yrs on compressor..

    Parehas maganda nmn po. Kaso ung warranty ng panasonic 5yrs lng. Pero kng sa tipid nmn po ay best choice si panasonic.

    Patulong po sir anu dpt ko bilhin, nahirapan po ako mamili. Ty

    TumugonBurahin
  20. Malakas po ha sa koryente ang automatic na ref?

    TumugonBurahin
  21. Hindi ko masyado pina paandar ang ref namin parang once a week lang tapos 3 days ang andar tapos pag matigas na ang yelo tinatanggal na po namin sa saksakan , tanong ko lang po hindi po ba nakkasira yun nag titipid po kasi kami sa kuryenti

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Mas magiging mataas po ang kuryente nyo kapag lagi nyong pinapatay. Madali din syang masisira at babaho po kapag pinatay ng hindi nilinis.

      Burahin
  22. Gud pm poh. Concern q lang po x bago kung bili na ref, artm-755sx home american po.hindi kasi na explain saking ng mabuti sabi inverter daw ng ni research q po direct cooling pala, tapos normal lang po ba yun ang tagal mabuo yung yelo kahit isanh helira lang po okei naman yung lamig x baba tsak may sarili pong sub-meter pansin q lang parang ang bilis po umikot, magasto ba yun x kuryente? Nag aalangan po ako kung baka may dperinsya yung ref o normal lg..5days q palang po nabilin.salamat po

    TumugonBurahin
  23. Hello... tanong ko lang po kung anong dahilan kung bakit hindi nagyeyelo yong right part freezer ng electrolux ref ko? Tanong ko din po kung ang back part ng freezer ay nagyeyelo din po ba kasi hindi ko matandaan bale nanggaling na po siya sa service center at yan po ang napansin ko? Nagffreeze din po ba ang back part ng freezer o yong side lamang po ba?

    TumugonBurahin
  24. Paano po makkatipid sa kunsumo sa bill ng kuryente na gamit ang ref? Sa ilang oras po ba siya pwde gamitin? 4-6 hrs everyday na nkasaksak pwede na po ba yn ? Ano po ang pwedeng gawin para makatipid sa electric bill gamit ang ref?

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Kung ang ref nyo po ay inverter na dapat mas matipid na po sya. Pero kung hindi inverter pwede ko po ba malaman yung modelo ng ref.

      Burahin
  25. pwede pong gumana yung ref pero maaring di na maganda lumamig. ipacheck nyo po muna sa technician bago nyo gamitin ulit.

    TumugonBurahin
  26. Sir matipid po ba ang sharp..direct cooling po siya tapos mabagal po mag yelo

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Baka po nasa mababa ang thermostat ng ref nyo kaya di nagyeyelo agad. Kung bagong bili pa po ang ang inyong ref matipid pa po yan. Kapag tumatagal lumalakas sa kuryente ang direct cooling.

      Burahin
  27. Hi sir tanong q lng po kakabili q lng kxe ng ref condura freezer po.. Tanong q lng po kng pwede b xa ioff araw araw tuwing gabi kxe yung bote ng softdrinks nmin nababasag s sobrang lamig,nagyeyelo n xa..any tips po para makatipid po s kuryente

    TumugonBurahin
  28. Hi sir tanong q lng po kakabili q lng kxe ng ref condura freezer po.. Tanong q lng po kng pwede b xa ioff araw araw tuwing gabi kxe yung bote ng softdrinks nmin nababasag s sobrang lamig,nagyeyelo n xa..any tips po para makatipid po s kuryente

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Madali masisira ref mo kapag lagi mong ini-off. Mas lalong malaki ang kuryeteng makukunsumo mo kapag lagi mong pinapatay.

      Burahin
  29. sir tanong lang po worry po ako sa nbili ko ref n condura kc lately po parang ppatay sindi po kada oras po ntural lng po ba iyon? tnx po sa sgot.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Kapag narating na ng ref ang desired na lamig sa loob ng ref ang compressor po ay tumitigil na. Dahil kung hindi sobrang magyeyelo ang loob at malaki ang babayaran mo sa kuryente.

      Burahin
  30. Iinit ba ng sobra ang gilid ng ref kapag nakasaksak lng s xtention,.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Umiinit po talaga ang gilid ng ref. May heater po yun sa gilid, para di magkaroon ng moisture na nagiging sanhi ng corossion.

      Burahin
  31. Hi, ok po ba ang Panasonic NR-BP7716AN , semi automatic no frost inverter po ito.. sa kuryente matipid po ba kahit 24H/7D a week naka-on,thanks po..

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Opo matipid po yan sa kuryenta dahil inverter na sya.

      Burahin
  32. Hello, Magtatanong lang may ref kami national ang tatak galing ibang bansa kaya nasa 110v daw un di compatible. Tanong ko dati naman mabilis syang lumamig at magyelo. Then ngaun po pagkatapos maglinis ng ioopen ung ref maya maya lalamig tapos maya maya mwawala na din yung lamig? ano kaya possible na sira nun? kelangan naba naming bumili ng bago?

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Para po kayo makasiguro ipacheck up nyo po muna sa Service Center ng Panasonic yan na po ang brand ng dating National. Salamat po!

      Burahin
  33. Hi po may nbili po kming ref.halos evry 5minutes po halos ngpatay sindi po xa normal po b un sa condura negosyo inverter single door.tnx po

    TumugonBurahin
  34. Mas malakas po ba sa kuryente kapag mas mataas ang thermostat ng ref?

    TumugonBurahin
  35. Every nag dedefrost kami kasi kumakapal na ang yelo..normal ba yun?

    TumugonBurahin
  36. sir pa help nmn po. after ko po kasi mag depros ayaw na po gumana ng motor ng ref ko.

    TumugonBurahin
  37. Hello po pwedi mag tanong kong ang ref kopo ay sanyo 2dors ,ngayon isang right lang ang nag yeyelo normal paboyan hinde n kagaya ng dati mabilis lumamig

    TumugonBurahin
  38. Hi po, ano po ba ang sira ng sanyo ref ko 2 dors po isang Side lang ang nag yeyelow ng aluminum. OK pahubayon .Yong S baba ok panaman sya, bakit S taas isang side Lang ang nag yeyelow.

    TumugonBurahin
  39. hi ano mas malakas mgcontume ng electric mini ref or big ref

    TumugonBurahin
  40. Hi po, kabibili lang po namin ng condura inverter ref. Normal po ba na maingay sya minsan? Pumunta po kami dun sa store na binilhan namin for replacement pero ang sabi nung employee dun ay normal lang daw po yun sa inverter refs. Tama po ba yun? Thank you.

    TumugonBurahin
  41. hello po kakabili lang po namin ng ref LG GR B202SQBB mag 2hours na po siya naka max yung setting hndi pa po lunalamig yung baba pero yung taas malakas na po yunh blower niya no forst inverter po siya

    TumugonBurahin
  42. hi sir ask ko lang poh bmili kmi ng ref na panasonic inverter n poh sya kso napansin nmin every 1 day humihina ung lamig at ung ibang yelo s gilid nya nag tutubig n kc prang nawala ung lamig nya., tpos after 20 mins ata ska sya ulit gagana normal poh b un oh gnun poh b tlga pag inverter n ref.?

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Ganyan din po yung ref namin..napapansin ko pag di na mainit yung gilid ng ref sisilipin ko yung freezer natutunaw yung yelo sa mga gilid nya.nagtutubig..normal kaya yun?sana may sumagot

      Burahin
    2. Ganyan din po yung ref namin..napapansin ko pag di na mainit yung gilid ng ref sisilipin ko yung freezer natutunaw yung yelo sa mga gilid nya.nagtutubig..normal kaya yun?sana may sumagot

      Burahin
  43. Sir ask ko lang po napansin ko lang po kanina ung freezer po kc ng ref namin 2 doors po ito....sa gilid po nahulog ung yelo taz may konting konting sira lang po sa gilid ng freezer...ano pong mangyayari?kinakabahan po kc ako...

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Sana masagot po kaagad kc nagwoworry po ako

      Burahin
  44. Hello tanong ko lang po ano po ba dapat gawin.. My load ang reef bago pa andarin uh dapat walang laman? LG inverter single door reef namin salamat po

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Paandarin nyo po muna ng walang laman for 30 minutes. Saka nyo po lagyan ng laman.

      Burahin
  45. Sir Arth ano po ang dahilan kung bakit nagpapawis ang labas ng ref nmin. Condura 2doors po ung ref nmin, nagkakatubig sa gilid at top. Ano pong mapapayo nyo? Salamat po

    TumugonBurahin
  46. Anu po kya ang problema ng ref naman, ge po xa lumalamig naman po pero d naman tumitigas ang ilalagay s loob ng freezer?

    TumugonBurahin
  47. Good pm sir arth ask q lng po maganda po ba yon CONDURA CTD311MNI 9.8 CU.FT. TWO DOOR REFRIGERATOR mababa po ba cya sa kuryente.. salamat po

    TumugonBurahin
  48. good afternoon sir,kabibili ko lng po ng freezer ko,LG 6cubic ft.pang tinda kl ng yelo,ok lng po b na nka max lagi para mabilis mag yelo..puno lht ng layer..slmt po sa sagot.

    TumugonBurahin
  49. tanung lng po kakabili k lng ng sharp 2 door ref.. napansin k n ngyeyelo ang ibabang parte nito, normal lng ba yun?

    TumugonBurahin
  50. Goodafternoon po kelvinator po ref na nabili ko .. bale 4months palang po xa .. nagkakamoist po xa sa may gasket minsan sa mga Gilid ng door nya . Ano po kaya ang posibleng defecT nya Thermostat o gasket ??? ThankyOu so much for yOur wonderFul answer ..

    TumugonBurahin
  51. Totoo po ba na mas malakas sa konsumo ng kuryente ang 2doors na ref kaysa sa 1door?

    TumugonBurahin
  52. tanong ko lang po ang nabili po nmin ref ay beko ang nppaansin ko po kc lumalakas ang ugong ng ref nmin kpag marami ang nklgay sa frizer normal po b un. ndi po ba delikado atsk sobra pong nagiinit ang gilid,

    TumugonBurahin
  53. Hello tanung ko lng po matagal po magyelo yung bago po nabili nmin na condura 2door po.at nagfreeze dn para nagyelo dn po.po yung babang door

    TumugonBurahin
  54. Maganda po b ang Samsung inverter no frost n ref kaysa s condura no frost din inverter,7cubic 2 door

    TumugonBurahin


 



START YOUR TRAVEL AND TOUR BUSINESS FOR AS LOW AS P2,500

Be a part of the fastest growing and most awarded travel and tour company in the Philippines and start travelling beyond your dreams!

Learn How...

Info Section Text